Hindi lang umano kakulangan sa security measures ang dahilan ng mga karahasan sa mga eskuwelahan kundi ang matagal pagpapabaya ng gobyerno lalo na ang Department of Education (DepEd) sa mental health ng mga mag-aaral.
Ito ang tinuran ni ACT Teacher party-list Rep. Antonio Tinio matapos pormal na ihain ang kanilang resolusyon para imbestigahan ang mga karahasan sa mga eskuwelahan tulad ng pamamaril ng dalawang estudyante sa San Jose National High School sa Tacloban City at maging ang pananaksak ng isang mag-aaral sa Gen. Trias, Cavite.
“Huwag nating palampasin ang pagkakataong ito na tukuyin ang tunay na sanhi ng karahasan sa mga paaralan. Hindi ito simpleng security failure—ito ay bunga ng mahabang krisis sa edukasyon na dulot ng patuloy na kawalan ng pondo ng pamahalaan sa mental health services sa mga paaralan,” pahayag ni Antonio.
Ayon sa mambabatas, kulang 150,000 ang public school teachers kaya hindi nababantayan ng mga guro ang kanilang mga estudyante habang 2,000 lamang aniya ang guidance counselors sa buong bansa.
Malayong malayo aniya ito sa 50,000 guidance counsellors na kailangang para sa 28 million estudyante.
Nalagdaan din aniya ang gobyerno ng P2.97 billion para sa school-based mental health programa sa 2026 general appropriations act (GAA) subalit kulang kulang pa rin aniya ang mga personnel na magbabantay sa mental health ng mga estudyante.
“Permanenteng solusyon ang kailangan natin sa edukasyon, hindi lamang security measures. Dapat nating i-transform ang mga paaralan sa ligtas na espasyo na libre sa karahasan, at ito ay nagsisimula sa pagtugunan ng systemic issues na nag-uudyok sa mga kabataan na gumawa ng ganitong mga aksyon,” ani Tinio.
Trending
- Ateneo pumalag sa ‘dangerous rumors’ laban sa men’s basketball team
- Pacquiao-Mayweather 2, postponed muna
- Cristine Reyes tumanggi mag-endorse ng online sugal
- Paolo Contis kinukulit si Aly Alday
- Coco nasasaktan sa bansag na ‘masungit’
- Hirit ni Jinggoy na pagsama-samahin mga kaso sa flood control tinabla ng Sandigan
- Juvenile council nanawagan ng rehab, mental health services para sa young offenders
- Mental health neglect itinurong dahilan ng karahasan sa mga eskuwelahan

