Parang bulkang pumutok na.
Ganito ang peg ni Melai Cantiveros na hindi na nakuhang kontrolin ang sarili tungkol sa mga ganap sa Senado.
Sa mediacon para sa Season 5 ng kanyang podcast, interesado si Melai na kapanayamin si Sen. Juan Miguel Zubiri.
Pareho silang Bisaya, but with the solon coming from Bukidnon.
Itatanong daw ni Melai kung magkaanu-ano sila ni Diana Zubiri.
But on a serious note, mas maganda raw itanong sa mambabatas ang tungkol sa pagkakaisa ng bansa.
Gusto raw niyang malaman: “Ano na ang gagawin natin para magkaisa tayo?”
Tayo-tayo raw kasi ang nag-aaway-away, kaya may payo ang komedyana.
Pumili raw tayo ng mga maaayos na pinuno ng bansa: “Sana bigyan nila tayo ng hiya… hindi nila alam kung may hiya pa ba sila!”
At para sa ilang personalidad na lumilikha lang ng gulo sa Senado: “Please lang, ibalik n’yo ang dignidad sa Senado. Maawa kayo sa amin!”
Trending
- Alden Richards naluha sa National Teacher’s Day
- Alex Eala sa Chanel Show
- Jasmine Curtis-Smith bida sa “We Could Be In Love”
- Grandmaster Engr. Asi Ching nakatutok sa Top 5
- Philippine team Asiad Heroes pinarangalan
- NCAP hindi ipatutupad sa Valenzuela City
- LIWLIWA BEACH SA ZAMBALES IDINEKLARANG DANGER ZONE
- TATLONG MOST WANTED SA BATAAN, ARESTADO

