Nawalan na ng pag-asa si Kapuso actress Max Collins na makita pa ang ama niya matapos ang ilang taong paghahanap.
Nausisa si Max kung ipapahanap pa raw ba niya ang kaniyang ama sakaling may makilalang man tracker.
“Yes,” sagot ni Max. “Kasi sinubukan ko naman, e. But I couldn’t find. I wasn’t successful. So I would hire.”
Pero ayon sa kaniya, pagod na raw siya.
“Okay na ‘yon. Kasi wala naman siyang pakinabang sa buhay ko. Not to be mean, but it’s like my mom did everything. Siya ‘yong tumayong ina at ama sa aming pamilya. So hindi ko siya kailangan,” dugtong pa ng aktres.
Nagkahiwalay umano ang mga magulang ni Max noong sanggol pa lamang siya at simula noon hindi na bumalik pa.
Aniya, “Hindi naman niya ako hinanap. So ba’t ko naman siya kailangang hanapin? It’s not out of anger.”
Kalaunan, napagtanto ni Max na hindi raw pala niya kailangang hanapin ang ama niya para maging buo siya, gaya ng inaakala niya noong bata siya.
Trending
- San Beda Red Lions player JV Gallego pumanaw na
- Alex Eala makakatambal muli si Venus Williams
- Rommel to the rescue kay Robin, binarag si Angel!
- Awra, nagpa-rhinoplasty, bet magmukhang Latina!
- Gwendoline Meliz Soriano : Binibining Pilipinas International 2026
- Marcoleta, ‘di nakakulong sa air-conditioned cell
- Pulis sa ‘mistaken identity’ na- inquest proceedings
- 4 PH-registered vessel nakalabas na sa Hormuz

