Mas mataas na kita, mas malawak na access sa merkado para sa mga egg producer – PCO
Ito ang layunin ng pamahalaan sa pagpapalakas ng post-production at agricultural value chain, sa pamamagitan ng mga pasilidad at teknolohiyang makatutulong sa pagproseso, pag-iimbak, at pagbuo ng mga produktong gawa mula sa itlog.
Sa pagbisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Batangas Egg Producers Multipurpose Cooperative (BEPCO) sa San Jose, Batangas, nasaksihan niya ang mga pasilidad at operasyon nito sa pagproseso ng itlog, kabilang ang liquid egg pasteurization at spray drying, gayundin ang mga pasilidad para sa quality control at cold storage.
Sa tulong ng Department of Agriculture (DA) at Department of Science and Technology (DOST), nakapagpatupad ang BEPCO ng mga proyekto at teknolohiyang nakatulong upang tumaas ng 125% ang sales at 25% ang productivity ng cooperative.
Patuloy na susuportahan ng pamahalaan ang mga egg producer sa Batangas at sa buong bansa upang mabawasan ang pagkalugi at pagsasayang ng produkto, mapahaba ang shelf life ng mga egg products, at mapalakas ang kanilang produksyon at kita.
====
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

