Natapos na nitong Huwebes, Hunyo 25, ang marking of evidence sa pre-trial conference ng impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte matapos ang limang araw.
Sa pre-trial conference na nagsimula noong Hunyo 18, minarkahan ng House prosecution panel, defense team ni Duterte, at impeachment clerk of court ang mga ebidensya at tinukoy ang mga posibleng testigo para sa impeachment trial.
Sa unang araw, tinalakay at natapos ng magkabilang panig ang Article III at IV ng impeachment complaint, na may kaugnayan sa umano’y panunuhol ng Bise Presidente sa ilang opisyal ng Department of Education at pagbabanta kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at dating Speaker Martin Romualdez.
Samantala, tumuon ang ikalawa hanggang ikalimang araw sa Article I at II, na tumatalakay sa umano’y maling paggamit ng confidential funds at hindi maipaliwanag na yaman ng Bise Presidente.
Nakumpleto ng House prosecution team at ng kampo ni Duterte ang pagmamarka at pagtukoy ng mga ebidensyang ihaharap ng mga ito sa impeachment trial, na nakatakdang magsimula sa Hulyo 6.
Trending
- Ateneo pumalag sa ‘dangerous rumors’ laban sa men’s basketball team
- Pacquiao-Mayweather 2, postponed muna
- Cristine Reyes tumanggi mag-endorse ng online sugal
- Paolo Contis kinukulit si Aly Alday
- Coco nasasaktan sa bansag na ‘masungit’
- Hirit ni Jinggoy na pagsama-samahin mga kaso sa flood control tinabla ng Sandigan
- Juvenile council nanawagan ng rehab, mental health services para sa young offenders
- Mental health neglect itinurong dahilan ng karahasan sa mga eskuwelahan

