Pangungunahan ni Manny Pacquiao ang paglulunsad ng isang bagong professional sports league sa bansa para sa mabilis na sumisikat na larong pickleball.
Tatawaging Maharlika Pilipinas Pickleball Tour o MPPT ang liga na inaasahang ilulunsad ngayong taon at papayagan ng Games and Amusements Board bilang isang professional competition.Palakasan
Ayon kay Pacquiao, layunin ng liga na mabigyan ng mas malaking oportunidad ang mga atletang Pilipino upang maipakita ang kanilang talento at makapagbigay ng karangalan sa kani-kanilang lungsod at probinsya.
Sinabi rin ng boxing icon na bagama’t bago pa lamang ang pickleball sa Pilipinas, mabilis itong makikilala dahil marami nang mahuhusay na manlalaro sa bansa.
Ang MPPT ay magkakaroon ng walong koponan mula sa Metro Manila, Luzon, Visayas, at Mindanao. Gaganapin lamang tuwing weekend ang mga laro at magkakaroon ng hindi bababa sa P5 million prize pool sa inaugural season.
Trending
- Ginebra isang panalo na lamang para makapasok sa finals
- Eala may wild card sa Homburg Open
- Richard Gutierrez, Gerald Anderson tumitindi ang hidwaan
- Vice Ganda namigay ng kare-kare sa mga street sweeper
- John Lloyd Cruz ipinaranas sa anak na si Elias ang simpleng pamumuhay
- Libreng board, bar exam sa qualified indigents, inihain
- MRT-7, ‘di mababawasan ng estasyon
- Pinakamahabang araw mararanasan sa Hunyo 21 – PAGASA

