IPINAG-UTOS ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang Malinis at Maayos na mga Himpilan ng Pulisya sa buong Metro Manila.

Inatasan ni NCRPO chief P/Brig. Gen.Christopher Abrahano ang lahat ng Chief of Police at mga station commanders sa buong Metro Manila na tiyaking malinis, maayos, ligtas, at presentable ang kanilang mga himpilan at mga pasilidad bilang bahagi ng disiplinadong organisasyon at professional na paglilingkod sa publiko.

Binigyang-diin ni P/BGen. Abrahano na ang himpilan ng pulisya ay hindi lamang lugar para sa trabaho ng mga alagad ng batas, kundi isa rin itong pasilidad para sa serbisyo publiko, kung saan humihingi ng tulong ang mga mamamayan.

Ayon sa NCRPO director, nararapat lamang na malinis ang mga himpilan ng pulisya may disiplina, at paggalang na nararapat ipakita ng mga pulis sa komunidad.

Ang pagpapanatili aniya ng kalinisan ay isang tuloy tuloy na responsibilidad at regular na paglilinis sa mga palikuran, pasilidad para sa mga nakakulong, at ang paligid sa kani-kanilang himpilan.

Dagdag pa ng opisyal, ang kahalagahan ng wastong pagtatapon ng basura, sapat na sanitation at maayos na pag-iimbak ng mga kagamitan at suplay.

Aniya,kailangan din ng agarang tugon sa mga posibleng panganib na may kaugnayan sa sunog, kuryente, at iba pang usaping pangkaligtasan. (Gina Garcia)

Share.