Isang 20 anyos na babae na umano’y tinangkang magpakamatay sa pamagitan ng pagtalon sa footbridge
nailigtas ng mga tauhan ng Valenzuela City Police Station Barangay Canumay West, Valenzuela City, kaninang madaling araw ng Oktubre 12, 2026.

Batay sa paunang ulat, habang nagsasagawa ng foot patrol sina
PMSg Rocky G Badajos at PSSg Jayson Jamosin, kapwa nakatalaga sa Sub-Station 1
sa kahabaan ng East Service Road, Barangay Canumay East

Nilapitan sila ng dalawang concerned citizen upang ipaalam na isang babaeng nasa footbridg ang nagtangkang tumalon.

Agad na nagtungo ang mga pulis sa lugar sa halip na gumamit ng puwersa, mahinahong nilapitan ng
mga pulis ang babae, sinikap na pakalmahin habang hinihikayat siyang huwag ituloy ang kanyang binabalak.

Sa tulong din ng mga ‘bystander’ na naroroon, matagumpay na nailigtas ang biktima


Matapos ang insidente, nakipagtulungan ang mga pulis sa mga tauhan ng barangay upang maihatid ang babae sa Barangay 3S Center ng Canumay West para sa agarang tulong at karagdagang pagsusuri.

Sa mga pagkakataong may panganib, agad na humingi ng tulong sa pulisya, barangay, o tumawag sa 911 para sa agarang tulong.

Sa pamumuno ni PCOL Joseph G Talento, patuloy na isinusulong ng VCPS ang maagap na pagtugon, serbisyong may puso, at pakikipagtulungan sa komunidad upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng bawat Valenzuelano. (Roger Panizal)

Share.