Inaasahang magkakaroon ng malaking taas-presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo dahil sa tumitinding tensyon sa Middle East.
Batay sa pagtataya ng isang source sa industriya ng langis, maaaring tumaas ang presyo ng:
-Diesel: P9.50 hanggang P10.50 kada litro
-Gasolina: P3.50 hanggang P4.50 kada litro
Ayon sa source, nagtulak sa pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado ang tumitinding alitan matapos ang pag-atake ng Iran sa mga komersyal na barkong dumaraan sa Strait of Hormuz at ang ganting pag-atake ng Estados Unidos sa mga military asset ng Iran.
Dagdag pa rito, nakaapekto rin sa presyo ang pangamba sa posibleng pagkaantala ng suplay ng langis, pagbawas ng trapiko ng mga barko sa Strait of Hormuz, pagharang ng US sa mga barkong papunta at mula sa mga daungan ng Iran, at pagbaba ng diesel exports ng Russia.
Samantala, inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapalawak ng United Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport (UPLIFT) program upang matulungan ang mga pamilyang maaapektuhan ng pagtaas ng presyo ng langis.
Sa ilalim ng programa, 7.5 milyong kabahayan o humigit-kumulang 37.5 milyong Pilipino ang makatatanggap ng ayuda. Kabilang dito ang 3.5 milyong benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at Walang Gutom Program, na tatanggap ng isang beses na karagdagang ayuda na hanggang P2,000.
====
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

