Nagpakitang-gilas ang magkapatid na Carlos at Eldrew Yulo matapos parehong makasungkit ng medalya sa floor exercise finals ng 13th Senior Artistic Gymnastics Asian Championships sa Zunyi, China nitong Sabado, Hunyo 20.
Nasungkit ni Carlos Yulo ang gintong medalya matapos magtala ng 14.700 puntos sa kanyang routine, bahagyang mas mataas kumapara sa 14.600 ni Shoma Tsukiyama ng Japan.
Samantala, nag-uwi ng bronze medal ang kanyang nakababatang kapatid na si Eldrew Yulo matapos makakuha ng 14.300 puntos. Ito rin ang kauna-unahang senior continental podium finish ni Eldrew.
Nakatakdang sumabak si Carlos sa finals ng parallel bars at horizontal bar, habang lalaban din si Eldrew sa horizontal bar event.
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

