Isang holy mass ang idinaos sa puntod ni Nora Aunor sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City, umaga nitong April 16.
It marked the country’s Superstar and National Artist’s first death anniversary.
May “color code” pang nakasaad sa invite pagdating sa kaauotan sa babang-luksa.
Ang biological son ni Nora na si lan de Leon ang isa sa mga aligaga sa okasyon.
Naitanong si lan kung bakit wala sa misa ang mga kapatid nitong sina Lotlot at Kenneth.
Ani lan, palagay daw niya’y may ibang plano ang mga ito.
Humabol si Kiko pero tapos nang kapanayamin ng press si Ian.
Nagpasalamat naman si lan sa lahat ng mga nagsidalo bilang pag-alala sa ina.
Hindi nga daw mapaniwalaan ng 50 anyos na aktor na marami pa rin ang nagmamahal kay Guy.
Hiningi din ni lan ang suporta ng mga fans na ibahagi ang mga memorabilia nito para sa binabalak na museo na balak ilunsad sa June ng kasalukuyang taon.
Kabilang dito ang mga damit ni Nora na isinuot noon sa programa niyang Superstar at sa mga pelikula, pati na rin ang mga tropeo nito.
Kasama na din ang mga larawan ni Nora, albums at clippings–na maaaring i-donate.
Samantala, the side of Lotlot has yet to comment on their absence.

Share.