Nagsimula na umanong magbenta ang Lopez family ng kanilang shares sa kanilang business empire matapos ibenta ng sangay na konektado kay dating ABS-CBN Chairman Eugenio “Gabby” Lopez III ang kanilang 25.65% stake sa Lopez Inc.
Ang pagbebenta ay konkretong kumpirmasyon ng umano’y P45 bilyong deal.
Sa isang liham na may petsang Agosto 9, kinumpirma umano ni Roberta “Berta” Lopez Feliciano, kapatid ni Gabby, na ibinenta na ng Creme Investment Corp. ang kanilang shares sa Lopez Inc.
Ang Creme Investment ay kompanyang pag-aari ng mga tagapagmana ni yumaong Eugenio “Geny” Lopez Jr.
Dahil sa pagbebenta ng shares, nagbitiw rin si Feliciano bilang miyembro ng board ng First Philippine Holdings Corp.
Si Feliciano ay director ng Lopez Holdings Corp. at managing director ng ABS-CBN Foundation.
Nauna nang naiulat na pumayag umano ang third-generation Lopez heirs na ibenta ang kanilang pinagsamang 71% shares sa Lopez Inc. sa isang ultra-bilyonaryong buyer sa halagang P45 bilyon.
Gayunman, hindi pa pormal na kinukumpirma ng Lopez family at ng kanilang mga kompanyang nakalista ang buong transaksiyon. Hindi pa rin inilalabas ang pangalan ng sinasabing buyer.
Kung matutuloy ang buong bentahan, magkakaroon umano ng kontrol ang ultra-bilyonaryo buyer sa Lopez Inc.
Sa pamamagitan naman ng Lopez Inc., maaari rin umano nitong makontrol ang mga negosyo ng Lopez family kabilang ang ABS-CBN at mga kompanyang nasa sektor ng kuryente, ari-arian at imprastraktura.
Kabilang sa malalaking kompanyang konektado sa Lopez group ang Lopez Holdings, First Philippine Holdings, First Gen, Rockwell Land, ABS-CBN at ABS-CBN Holdings.
====
Trending
- Bacaro, Colonia nagwagi ng medalya sa Uzbekistan
- Manlalaro ng Ateneo Men’s basketball , biktima rin
- Liza Soberano unti-unting naaabot ang Hollywood dream
- Sophia Laforteza pahinga muna para sa mental health
- Awra Briguela binalikan ang nagawang pagkakamali
- NEA dapat tutukan ang rural electrification program
- ‘Di susuko ang Pilipinas sa Bajo de Masinloc
- Robin Padilla, misis ni Bato nagkita sa Davao

