Kinumpirma ni Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla na sinimulan na ng kanyang tanggapan ang lifestyle check sa mga government official, kung saan 107 na ang nakasalang at inaasahang madaragdagan pa ito.
Sa budget briefing sa Kamara nitong Martes sa pondo ng OMB sa susunod na taon, inusisa ni Akbayan party-list Rep. Chel Diokno kung ano na ang nangyari sa pahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., noong Agosto 27, 2025 na kailangang nang ibalik ang life style check sa mga opisyales at empleyado ng gobyerno.
“We’re doing this right now, Your Honor. We have 107 lifestyle checks being conducted, as we speak,” ani Remulla subalit hindi na ito nagbigay ng impormasyon kung sino-sino ang mga isinasailalim na sa life style check.
Ang lifestyle check ay isinagawa bilang bahagi ng kampanya ng gobyerno laban sa mga tiwali sa pamahalaan.
Ayon kay Remulla, inaasahan na madagdagan pa ang bilang na ito dahil nangangalap na ang mga ito ng impormasyon sa mga taong pinaghihinalaang nagpayaman sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno kung saan nangyauari aniya ang kasalanan.
Kabilang sa mga ahensyang ito aniya ang Bureau of Custom (BOC), Land Transportation Office (LTO), Bureau of Internal Revenue (BIR) at iba pa.
“And we are adding more to the list because we have been actively pursuing information on the people in Customs, in LTO and other income-generating agencies of the government because this is where most of the lifestyle sins happen, including the BIR, Your Honor,” ani Remulla.
“I’m very happy to hear that you have been conducting lifestyle checks. Kasi malaman kung masagawa po sana natin yan noon, yung nangyari kaya halimbawa kay Usec (Roberto) Bernardo (ng Department of Public Works and Highways) who had to return P500 million, I’m sure a lifestyle check would have already shown us that there are issues insofar as his governance are concerned,” ayon naman kay Diokno.
=====
Trending
- TULAK, ARESTADO SA BUY-BUST
- P70-B yaman ng Marcoses, sakop ng 67 nakabinbing ‘ill-gotten’ wealth cases
- ‘Kahit walang sugat!’ Eksperto, nagbabala hinggil sa leptospirosis!
- PAMPANGA, BULACAN LUMUBOG PA NANG TODO
- Lifestyle check ng sa mga government official umarangkada
- 5-8 bagyo hahagupit sa Pinas hanggang Pebrero 2027
- Certificate of indigency, ‘di kailangan sa pagtanggap ng ayuda
- Gauff, nasungkit ang 2nd title sa Cincinnati Open

