TINITINGAN ng Italy na makapag-recruit ng libo-libong kuwalipikadong Filipino nurse sa gitna ng kakapusan sa healthcare workers nito.
May panukala rin ang nasabing bansa na makipag-negotiate para sa isang bagong bilateral labor agreement (BLA) kasama ang Pilipinas.
Sinabi ni Philippine Ambassador to Italy Neal Imperial na ang panukala ay ginawa sa isang pulong kasama si Italian Health Minister Orazio Schillaci sa Italy noong April 24, kung saan tinukoy ng huli ang Pilipinas bilang isang “key partner” na makatutulong sa Italy na ma-meet ang mataas na demand ng healthcare system nito.
Aniya, ang Department of Foreign Affairs at isang interagency group, sa pangunguna ng Department of Migrant Workers at Department of Health, ay kasalukuyan ngayong nagsasagawa ng konsultasyon ukol sa panukalang draft agreement.
Sa oras na matintahan, ang BLA ang magiging kauna-unahang government-to-government labor deal sa health professionals sa pagitan ng dalawang estado at makapagtatatag ng isang “structured, transparent, and regulated mechanism for the recruitment and deployment” ng mga Filipino nurses sa Italy.
Sa kabilang dako, ang Italy ay kasalukuyang nahaharap sa kakapusan ng 15,000-20,000 nurses, karamihan ay sa mga ospital at klinika sa labas ng Rome, Milan at Florence.
Sinabi ng Embahada ng Pilipinas sa Roma na “Italy’s strong interest in tapping into the Philippines’ pool of health professionals is banked on its “high regard” for the Filipino nurses’ widely-acknowledged “competence, professionalism, and quality of care.”
Sa ilalim ng regulatory requirements ng Italy, “Filipino nurses must meet qualifications including a Bachelor of Science in Nursing degree, recognition of credentials, registration with professional bodies, Italian language proficiency (at least B2 level), and completion of required professional training.”
Pinag-usapan din sa pulong ang pagtutulungan sa kalusugan at kapakanan ng Filipino community sa Italy, kabilang na ang alalahanin na may kinalaman sa kanilang pamumuhay.
Nagpanukala naman ang Pilipinas ng kolaborasyon sa mga programa bilang suporta sa long-term health outcomes, kung saan tinanggap naman ng Italian Health minister.
Samantala, kapuwa naman inilarawan ng magkabilang panig ang talakayan bilang “productive and forward-looking”, muling pinagtibay ang kanilang commitment na palakasin ang kooperasyon sa ‘healthcare, labor mobility at community welfare.’
Trending
- Pamilya ni Carlos Yulo, may bagong bahay
- Detroit, hawak na ang bentaheng 2-0 kontra Cavaliers
- Liza Soberano abot ang kasikatan hanggang Japan
- Alvin Aragon umapela sa Senado
- Ryzza Mae niregaluhan sarili ng bagong sasakyan
- P60B excess funds naibalik na sa PhilHealth
- P60B excess funds naibalik na sa PhilHealth
- Private Senior High Schools, kailangan na maka-secure ng gov’t recognition

