Pinag-uusapan ng mga tsismosang kapitbahay ang tungkol kina Caprice Cayetano at Lella Ford.
Sila kasi ang tinanghal na big winners sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 2.0 noong Pebrero.
Ang love team partners naman nilang sina Heath Journales at Joaquin Arce ang tinanghal na 2nd at 3rd Big Placers.
Umabante na rin ang stardom para kay Caprice dahil bida na ito sa isang serye sa Kapuso network with Heath as her co-star.
Ang tambalang LelQuin naman nina Lella at Joaquin ay wala pang napapabalitang launching project sa Kapamilya network maliban sa fan meets, workshops at TV appearances.
Dahil dito, pinagkukumpara tuloy ng mga nagmamaldita ang dalawang kampeon ng nabanggit na reality show sa Bahay ni Kuya.
Ito ang ilang hirit ng kibitzers.
“May TV series na at bida si Caprice, si Lella kailan naman kaya?”
“Lella needs an aggressive push.”
“Talents ng GMA sina Caprice at Heath kaya nasa plano na ng network ang launching project nila.”
“Hindi pa rin kasi sure ang ABS kung anong project ang bagay sa LelQuin.”
“Naku, may bagong batch na namang darating kasi napapabalitang may collab na naman.”
“Dapat may project na ang LelQuin bago pa magsimula ang next PBB edition.”
“Paging Angel Locsin, Neil Arce and Karla Estrada.”
“It’s understandable dahil wala namang prangkisa ang ABS. Priority nila iyong sure moneymakers nila sa kanilang online content.”
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

