Natagpuang patay, laslas ang lalamunan ang isang laborer sa isang agricultural farm sa isang barong-barong sa Barangay Katangawan sa General Santos City nitong Martes, March 31.
Sa ulat ng mga imbestigador mula sa General Santos City Police Office at barangay officials, wala ng buhay ng matagpuan ang biktimang si Bilmar Marco Danieles, Sr., nakahiga na sa lupa sa loob ng kanyang sira-sirang tirahan sa Purok 5A sa Barangay Katangawan, laslas ang lalamunan.
Ayon sa mga barangay officials sa Katangawan at mga kamag-anak ni Danieles, ang kanyang kainuman nitong Lunes ng gabi na si Darwin Dawang ang suspect sa paglaslas ng lalamunan nito gamit ang isang kutsilyo.
Parehong mga manggagawa sa farm ni Jerome Jimena sa Barangay Katangawan sina Danieles at Dawang.
Ayon sa mga barangay officials sa Katangawan, agad na tumakas si Dawang at hindi na matagpuan mula ng lumisan sa kung saan sila nag-iinuman ni Danieles.
Ang anak ni Danieles na si Bilmar, Jr., ang unang nakakita sa kanyang wala ng buhay na ama sa lugar kung saan sila huling nakitang magkasama ni Dawang, nag-iinuman, bago ito tumakas ang nakita pa mula noon.

Share.