Nasawi ang isang lalaki sa malagim na aksidente sa kalsada na naganap sa Purok 5, Barangay Poblacion, Maasim, Sarangani Province, 5:25 ng umaga nitong Abril 18, 2026.
Kinilala ang biktima na si Jasper Ivan Cabaraban, residente ng Glan, Sarangani, na nagmamaneho ng isang Hyundai Reina.
Bumangga ang kanyang sasakyan sa likurang bahagi ng isang Fuso Truck Van na minamaneho ni Jesus Sabando Jr., residente naman ng Barangay Mabuhay, General Santos City.
Ayon sa paunang imbestigasyon na ibinahagi ni Maasim Municipal Police Station Chief, PMaj. Edgar Vanzuela, ang truck ay bumiyahe mula Kiamba patungong General Santos City nang bigla itong mabangga mula sa likuran ng nasabing
kotse.
Dahil sa tindi ng impact, naipit ang biktima sa loob ng kanyang sasakyan.
Agad rumesponde ang Bureau of Fire Protection (BFP) Maasim at MDRRMO Rescue Team upang mailabas ang biktima, subalit idineklara itong dead on arrival.
Napag-alaman din na bago ang aksidente, sangkot umano ang parehong sasakyan sa isang hit-and-run incident sa Barangay Kabatiol, kung saan dalawang menor de edad ang nasugatan at dinala sa ospital sa General Santos City para sa agarang gamutan.
Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na ng pulisya ang dalawang sasakyan habang patuloy ang masusing imbestigasyon sa insidente.
Trending
- Thunder, hawak na ang 2-0 lead vs Suns
- Converge, tinambakan ang TNT, 97–92 sa PBA Commissioner’s Cup
- Dyowa ni Chabit, bagets!
- Derrick, 100% na kay Elle Villanueva
- Kanang tenga ni Andi, naimpeksyon
- AI cameras laban sa illegal na pagtatapon ng basura
- Digong, lilitisin ng ICC sa Okt. 2026 hanggang Peb. 2027
- Iran ‘di pasasabugan ng nuclear weapon – Trump

