Mariing itinanggi ni San Pablo City, Laguna Vice Mayor Justin Colago ang paratang na umano’y may 200 ghost employee sa kanyang opisina, kasunod ng reklamong isinampa laban sa kanya.
Ayon kay Colago, walang katotohanan ang alegasyon at iginiit na bilang Presiding Officer ng Sangguniang Panlungsod, hindi niya kailanman ginamit ang posisyon para sa pansariling interes.
Matatandaang noong April 27, naghain ng kasong malversation at graft and corruption ang alkalde ng lungsod laban sa bise alkalde, bagama’t sinabi ni Colago na hindi pa niya pormal na natatanggap ang kopya ng reklamo.
Sa kabila nito, tiniyak niya na haharapin niya ang mga akusasyon at ipagpapatuloy ang kanyang tungkulin sa publiko.
Iginiit din ng bise alkalde na umaasa siyang walang kaugnayan ang naturang kaso sa isinusulong na P1.8 bilyong loan ng lokal na pamahalaan.
Hinihintay pa ang opisyal na pahayag ng kampo ng alkalde kaugnay sa isyung ito.
Trending
- Alden Richards naluha sa National Teacher’s Day
- Alex Eala sa Chanel Show
- Jasmine Curtis-Smith bida sa “We Could Be In Love”
- Grandmaster Engr. Asi Ching nakatutok sa Top 5
- Philippine team Asiad Heroes pinarangalan
- NCAP hindi ipatutupad sa Valenzuela City
- LIWLIWA BEACH SA ZAMBALES IDINEKLARANG DANGER ZONE
- TATLONG MOST WANTED SA BATAAN, ARESTADO

