Nabawasan na raw ang tapang ni Kylie Padilla ngayon. Kung dati-rati, lahat ng ipagawa sa kanya ng mga direktor niya, o ‘yung mga matitinding ganap ng mga lalaki, na hindi masubukan ng mga babae, ginagawa niya nang hindi siya nag-iisip, ngayon nga raw ay iba na.
Tulad nga ng eksena nila ni Miguel Tanfelix sa serye nilang ‘Taskforce Firewall’ na kung saan ay nag-rappelling sila, na nakatali nga lang sila, at bumaba sila mula sa 17th floor hanggang ground floor sa labas ng building.
Isa nga raw `yon sa mga bagong makikita kay Kylie ngayon. At masaya siya na matapang din ang kasama niyang si Miguel sa mga ganung eksena, na hindi nga raw nagdalawang isip na gawin `yon.
Pero si Kylie nga raw, again, nabawasan na ang tapang niya, at talagang nagdalawang isip siya na gawin `yon.
“Ako nagdalawang isip talaga ako. Kasi may dalawang bata na naghihintay sa akin sa bahay.
“Pero on my part naman, `yun ang pinakagusto ko sa trabaho ko, na bilang artista nakakapasok ako sa buhay na hindi ko buhay, at nagagawa ko `yung mga hindi ko nagagawa sa tunay na buhay.
“Pero nabawasan na nga ang pagiging daredevil ko. Kasi dati, noong bata ako, noong wala pa akong mga anak, gustong-gusto ko `yon.
“Pero ngayon, binawasan ko na. Noong na-experience ko na `yung parang lumilipad na feeling, it was worth it. It was worth all the fear and kaba.
“At worth it para mas mapaganda talaga ang serye namin,” sabi ni Kylie.
Anyway, ang husay tumakas ni Kylie sa mga press, ha! Aba, bigla na lang siyang nawala, na hindi na nga siya na-interview pa, after ng open forum ng ‘Taskforce Firewall’.
Chika ng press, baka ayaw mausisa ni Kylie tungkol sa tatay niyang si Senator Robin Padilla.
Trending
- Perjury vs Trillanes isinamapa ni Mans Carpio
- Bato, tag ‘armed and dangerous’ pinalagan
- Gusali sa Pampanga guho : 30 natabunan
- Gusali sa Pampanga guho
- Gusali guho: 30 natabunan
- Eala at Tjen nagdala ng ‘pagmamalaki’ sa Timog-Silangang Asya sa Roland Garros
- Alyssa Valdez: ‘Hindi ako magsasawa na irepresenta ang bansa’
- Kylie Padilla nabawasan na ang angas, tapang dahil sa 2 anak

