Inaprubahan ng Civil Service Commission (CSC) ang qualification standards para sa mga bagong posisyon ng school counselor sa mga pampublikong paaralan.
Layunin nitong suportahan ang pagpapatupad ng Basic Education Mental Health and Well-Being Promotion Act, na nagpapalakas sa mga serbisyong pangkalusugan ng isip para sa mga mag-aaral.
Ayon sa CSC, kabilang sa mga bagong posisyon ang Schools Division Counselor, School Counselor I hanggang IV, at School Counselor Associate I hanggang V.
Para sa Schools Division Counselor at School Counselor I-IV, kinakailangan ang master’s degree sa guidance and counseling o psychology at lisensya bilang guidance counselor o psychologist. Depende sa posisyon ang kinakailangang karanasan at pagsasanay.
Samantala, ang mga aplikante sa School Counselor Associate I-V ay dapat may bachelor’s degree sa guidance and counseling, psychology o kaugnay na kurso, may 18 units sa behavioral science, 200 oras na practicum o internship, at Career Service Professional Eligibility.
Ayon sa CSC, ang mga pamantayang ito ang magiging batayan sa paghirang ng mga bagong school counselor sa Department of Education (DepEd).
====
Trending
- Pilipinas mag-ho-host ng Senior Aerobic Gymnastics Asian Championships
- Boss Toyo kinuyog nang kuwestiyunin ang dokumentaryo ni Kara David
- Will Ashley nakatanggap ng ‘high score’ sa panliligaw kay Mika Salamanca
- Kuya Jobert binatikos ang promo ni Ivana Alawi sa online sugal
- 4 katao arestado sa higit P1m pekeng fertilizer
- Ex-BIFF member na sangkot sa SAF 44 incident, pananambang sa Shariff Aguak arestado
- ‘Tulay ng Pangulo’ sa Zambo , gumuho: Dump truck nahulog sa ilog
- 21 impormante ng PNP tumanggap ng P9.2m reward

