Talk of the town ang naging panayam noon kay Kris Bernal kung saan ay pinuri niya si Kim Chiu.
Sey niya: “Si Kim kasi nakasabayan ko, gusto ko ng gano’ng sikat eh -‘yung hanggang ngayon sikat.”
May nagmamaldita namang kate-katera ang nagkomento sa pahayag ni Kris.
Ayon sa nagmamahadera, ginagamit ni Kris si Kim o sumasakay ito sa kasikatan ng chinita actress.
Hirit ng nag-aampalaya: “Sumakay na naman xa kay Kim, iba talaga.”
Umani naman ng samu’t-saring reaksyon ang nasabing komento.
Ito ang ilan sa hirit ng mga tsismosang kapitbahay.
“Grabe naman ang ibang fans. Ang Lupit naman nila kay Kris.”
“Sobra namang toxic ng kafaneyan.”
“Bakit kasi may reference pa kay Kim. Tuloy na-accuse siyang nanggagamit.”
“Di ba dati na iyan, bakit muling pinalutang.”
“Kawawang Kris.”
“Need ba na i-associate ang sarili kay Kim para mapag-usapan?”
====
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

