Pinatunayan muli ni Kim Chiu na hindi lang siya mahusay sa showbiz kundi isa ring dedikadong lifelong learner matapos ibahagi ang kanyang kakaibang ginawa noong Holy Week.
Sa halip na magpahinga, nagtungo si Kim sa Paris upang mag-aral at palawakin ang kanyang kaalaman.
Sa isang episode ng “It’s Showtime,” ikinuwento ng tinaguriang “Chinita Princess” ang kanyang naging break.
“This year is about learning and improving… Growing, ganyan, hindi naman tumitigil kung ano lang ang nalalaman natin sa buhay,” ani Kim.
Ayon sa aktres, kumuha siya ng mga kurso na may kinalaman sa negosyo at marketing bilang paghahanda sa kanyang future plans.
“Marami akong pinag-aralan. Siyempre para sa future, for marketing purposes, [for]House of Little Bunny Philippines,” dagdag pa niya.
Ang nasabing negosyo ay personal na venture ni Kim, na nais pa niyang mas palaguin gamit ang mga bagong kaalaman na kanyang natutunan.
Dahil dito, agad siyang pinuri ng kanyang mga co-host at ng studio audience, kabilang sina Vhong Navarro at Amy Perez na nagpahayag ng paghanga sa kanyang determinasyon.
Umani rin ng papuri mula sa netizens ang aktres, kung saan marami ang nagsabing inspirasyon si Kim sa patuloy na pag-unlad ng sarili kahit nasa rurok na ng tagumpay.
Trending
- Angkas babawasan komisyon sa mga rider
- ‘Missing’ na nene, natagpuang bangkay nakasilid sa sako
- Lalaki sangkot sa hit-and-run, patay sa bangga ng truck
- Tindero sinaksak ng bayaw sa tahol ng aso
- Negosyo ng mga PDL sa mga piitan iniimbestigahan ng BJMP
- 42°C heat index mararamdaman sa Pasay City, 3 pang lugar
- Driver pinasakay bata sa likod ng pickup truck, lagot sa LTO
- Teves kulong parin kahit pinayagang makapagpiyansa

