Nasa Bangkok, kabisera ng Thailand nakabase ngayon si Ken Chan, wanted sa kasong estafa dito sa atin.
Ayon sa ulat ng Showbiz Now Na, palipat-lipat daw ng pinagtatrabahuhan si Ken sa nasabing bansa.
Dalawang taon na din kung susumahin ang ‘di na pagpapakita ng dating Kapuso actor na wanted sa kasong syndicated estafa.
Bigo ang mga awtoridad na mai-serve ang arrest warrant sa kanya noong September at November 2024.
Naiulat na noon na nasa Asia lang si Ken tulad sa Vietnam, at kinalaunan nga’y sa Thailand.
Sa mga bar daw doon palipat-lipat si Ken na posibleng tinutulungan ng kanyang mga kaibigang Pinoy doon.
Nakakaiwas lang daw si Ken sa mga immigration officer na nagsusuyod ng mga bar dahil itinatago umano si Ken ng mga kaibigan.
Ayon pa sa mga source na ikinowt ng mga SNN hosts, payat na payat daw ngayon si Ken at kalbo.
Nagbago na rin daw ang hitsura nito at napabayaan.
Tinatayang stress ang dahilan ng pagbabago sa hitsura ni Ken ngayon na hindi na mukhang artistahin.
May naulinigan din ang SNN na nasa Zamboanga City si Ken.
Trending
- SEN. JINGGOY SUMUKO SA PNP-CIDG
- PNVF sususpindehin ng POC
- Spurs pinatalsik Oklahoma, pasok sa NBA Finals
- Ashley, nilaglag ang relsyong Kathryn-Mark
- Ken, may trabaho sa Thailand?
- Kiray, may pa-contest sa gender ng baby
- International scholarships para sa guro palalawigin ng DepEd
- Negosasyon sa ASEAN digital economy framework agreement, natapos na

