Nasawi ang isang hindi pa kilalang biktima nang malapitang barilin sa ulo ng isang armadong suspek sa Navotas City, kamakalawa.
Sa ulat, naglalakad ang biktima sa kahabaan ng Leongson St. Brgy. San Roque dakong alas-11:10 ng gabi nang lapitan ng suspek na nakilala sa alyas “Kadyo” at pinutukan sa ulo.
Dead-on-the-spot ang biktima habang mabilis namang tumakas ang suspek patungo sa hindi matukoy na direksyon matapos ang insidente.
Iniutos na ni Northern Police District (NPD) P/BGen. Benliner Capili kay Navotas police chief P/Col. Renante Pinuela ang pagtugis sa suspek na nakasuot ng itim na sando at basketball shorts na nakilala ng isang testigo. Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng biktima na dayo lang sa lugar at ang motibo sa pamamaslang. (Roger Panizal)

