Agaw-pansin ang disenyo sa damit ni Kathryn Bernardo.
Wari’y ipinagbabanduhan na kasi ng Kapamilya actress ang rumored boyfriend niyang si Lucena City Mayor Mark Alcala.
Rumampa kasi si Kathryn sa isang event nang naka-modernong baro’t saya.
Ang pansinin doon ay ang mga letrang M at A sa mga puso sa gawing kaliwa ng kanyang suot.
Ayon sa mga nakapansing netizens, simpleng paraan daw ‘yon ng aktres sa pagsasabing may something sa pagitan nila ng batang alkalde.
Comments ng mga ito: “Tama ba ang nakikita ko…MA ba ‘yon?”
“Wala na…konting panahon na lang at ipakikilala na ni Kathryn si mayor!”
Nang tanungin naman ang tungkol sa kanyang lovelife ay para na rin siyang umamin.
Ang nakangiting sagot kasi ni Kat ay: “Okey naman!”
Sapat na ‘yon para magdulot ng kilig among her fans supportive of her lovelife.
Trending
- Pinoy mountaineer, naabot tuktok ng pinakamataas na bundok sa Europa
- Mga atletang makakasungkit ng medalya sa Palarong Pambansa, may cash incentives
- Kathryn, flinex ang damit na may initials na ‘M.A.’!
- Marian at Pia, sanib puwersa kay Heart?
- Bela, nagreklamo sa cliffhanger ng sariling serye
- Pasyente lasog nang mahulog sa hospital building
- 5 na patay sa gumuhong gusali sa Pampanga
- Tatay, 2 anak hinigop ng ilog

