Nahuli ang dalawang senior citizen nang madiskubre ang isang marine tanker na may kargang tinatayang P41.1 milyong halaga ng hindi rehistrado o “unmarked” na diesel sa karagatang sakop ng Villanueva, Misamis Oriental noong Abril 9, 2026.
Ang mga naaresto ang kapitan ng barko na 71-anyos mula sa Sipalay City, Negros Occidental; at ang Chief Mate na 63-anyos mula sa Batad, Iloilo.
Ayon sa ulat, nagsimula ang operasyon nang makatanggap ng intelligence report noong Abril 5, 2026 tungkol sa isang kahina-hinalang barko na nakaangkla sa karagatan ng Lagonglong, Misamis Oriental.
Napansin umano na nilalapitan ito ng ilang motorized bancas na pinaniniwalaang sangkot sa ilegal na distribusyon ng diesel.
Dahil dito, nagsagawa ng joint sea patrol operation ang iba’t-ibang ahensya kabilang ang RMFB 10, lokal na kapulisan ng Lagonglong at Villanueva, MORPPO, Regional Intelligence Division 10, Regional Maritime Unit 10, Bureau of Customs 10, at Philippine Coast Guard – Northern Mindanao.
Sa isinagawang inspeksyon, natuklasan na walang sapat na marka ang nasabing barko at nabigong makipag-ugnayan sa Philippine Coast Guard at Bureau of Customs.
Batay sa laboratory examination ng Société Générale de Surveillance (SGS) Philippines, nakumpirmang “unmarked diesel” ang kargamento at hindi dumaan sa tamang proseso ng customs.
Nakumpiska rin sa operasyon ang marine tanker at humigit-kumulang 300,000 litro ng diesel na may kabuuang halagang P41,100,000.
Patuloy pang bineberipika ang eksaktong dami nito ng surveyor mula sa Bureau of Customs.
Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na ng Villanueva Municipal Police Station ang dalawang suspek, habang isinailalim na sa Bureau of Customs Region 10 ang barko para sa kaukulang disposisyon.
Haharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Section 1401 ng Republic Act No. 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act.
Trending
- Celeste, ready ng magpa-sexy
- Kyline, magbibigay ng ayuda sa mga driver ng jeep
- Bea-Vincent wedding ‘di tuloy sa May 16
- 12 ex-Marines sa ‘maleta scam,’ Zaldy Co, paghaharapin sa Blue Ribbon hearing
- Validity ng mga lisensya at registration, extended na
- Angkas babawasan komisyon sa mga rider
- ‘Missing’ na nene, natagpuang bangkay nakasilid sa sako
- Lalaki sangkot sa hit-and-run, patay sa bangga ng truck

