Iginiit ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan na hindi dapat isantabi ang kapakanan at saloobin ng mga magsasaka at iba pang komunidad na maaapektuhan ng Pax Silica project sa Capas, Tarlac.
Ayon sa kanya, kailangan ng tunay na public consultation at dapat isama sa pagpaplano ang mga maaapektuhang residente, lalo na ang mga magsasaka at katutubo.
Binigyang-diin din ni Pangilinan ang kahalagahan ng free, prior, and informed consent (FPIC) upang matiyak na walang pilitan, pananakot, o kakulangan sa impormasyon sa mga komunidad na maaapektuhan.
Lumalakas ang pangamba ng ilang sektor na maaaring magdulot ang proyekto ng pagpapalayas sa mga komunidad, pagbawas ng lupang sakahan, at pagkapinsala sa suplay ng tubig, dahil sa malaking pangangailangan nito sa lupa at tubig.
Sinabi ng senador na bubusisiin ng Senado ang mga detalye ng Pax Silica sa mga susunod na pagdinig upang matiyak na mapoprotektahan ang interes ng mga ordinaryong Pilipino.
===
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

