Ikinalungkot ni Senador Joseph Victor Ejercito ang pagkakaaresto sa kanyang kapatid na si Senador Jinggoy Estrada noong Lunes, Hunyo 1.
“Bilang kapatid, bilang kasama nalulungkot ako sa nangyari pero sabi ko nga bilang lingkod bayan kailangan hayaan nating umusad ang batas, malaman ang katotohanan, manaig ang hustisya,” pahayag ni Ejercito nang hingan ng reaksiyon ng mga reporter.
Sumuko si Estrada sa mga tauhan ng Philippine National Police noong Lunes ng hapon matapos maglabas ng arrest warrant ang Sandiganbayan laban sa senador dahil sa kasong plunder.
Sabi pa ni Ejercito, ipinagdarasal din niya ang kanyang kapatid na maging matatag para harapin ng mga akusasyon laban sa kanya.
“Ipinagdarasal natin siya na maging matatag para harapin ang akusasyon [laban sa kanya]… as I mentioned kailangan manaig ang hustisya [at]lumabas ang katotohanan,” saad pa ng senador.
====
Trending
- San Beda Red Lions player JV Gallego pumanaw na
- Alex Eala makakatambal muli si Venus Williams
- Rommel to the rescue kay Robin, binarag si Angel!
- Awra, nagpa-rhinoplasty, bet magmukhang Latina!
- Gwendoline Meliz Soriano : Binibining Pilipinas International 2026
- Marcoleta, ‘di nakakulong sa air-conditioned cell
- Pulis sa ‘mistaken identity’ na- inquest proceedings
- 4 PH-registered vessel nakalabas na sa Hormuz

