Magreretiro na sana si June Mar Fajardo sa Gilas Pilipinas ngunit napilitang ipagpaliban dahil sa kakulangan ng players ng national team.
Ayon kay Gilas Pilipinas head coach Tim Cone, kinailangan nilang muling hugutin si Fajardo dahil sa mga problemang kinakaharap ng koponan bago ang August window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.
Hindi kasi makakapaglaro sina Mike Phillips at Quentin Millora-Brown, habang hindi pa rin tiyak ang availability ni Kai Sotto.
Dahil dito, si AJ Edu na lamang ang natitirang lehitimong center ng Gilas sa roster.
Idagdag pa raw na kailangan na kailangan din ng Gilas ang tagumpay laban sa Jordan at Iran upang manatili sa asam na puwesto sa World Cup.
Ani Cone, naoperahan si Millora-Brown sa likod habang ikakasal naman ang kapatid ni Phillips kaya hindi sila makakalaro.
Naging bahagi ng national team mula pa noong 2013 ang 36-anyos na ngayong si Fajardo.
Matagal na rin niyang pinag-iisipan ang pagreretiro sa Gilas, lalo na’t dumarami na ang mga batang big man na maaaring pumalit sa kanya.
Bukod kay Fajardo, inaasahang maglalaro para sa Gilas sina Kevin Quiambao, Carl Tamayo, Juan Gomez de Liaño, Scottie Thompson at RJ Abarrientos.
Inaasahan ding magiging mahalagang piyesa sina Edu, Troy Rosario, Chris Newsome, Dwight Ramos at ang naturalized player na si Justin Brownlee.
===
Trending
- June Mar purnada retiro sa Gilas Pilipinas
- Gilas Pilipinas Women dumating na sa Mexico
- MTRCB, binigyan ng PG at R-13 rating ang mga ganap sa sine
- Bimby, pinapakalma kay Ryzza
- Bea at Vincent, wala pa rin honeymoon
- LTO personnel, sangkot sa hit-and-run sa Antipolo; nakabangga ng pedestrian
- 27 na patay, 18 sugatan at 2 ‘missing’ sa Habagat
- Multicab nahulog sa bangin: 2 patay, 10 sugatan

