.Maugong ang balitang nasa kagampan daw ngayon si Julia Montes.
Kung totoo man, paano na ang aabangang serye nila ng kanyang rumored partner na si Coco Martin–ang Sigabo?
Hindi naman daw magiging isang malaking problema ito.
Ayon sa tsika, nakahanap na ang produksyon ng ipapalit kay Julia.
Ito’y walang iba kundi ang nagbabalik-showbiz na si Angel Locsin!
As far as the netizens are concerned, welcome idea kung si Angel ang magiging leading lady ni Coco.
After all, matagal nang kinasasabikan ang muling pagbulaga ni Angel sa TV.
When was the last time pa when Angel was visible?
Noon pang sunud-sunod ang pagsalanta ng mga sakuna sa ating bansa, right?
Of late, naging visible lang naman si Angel dahil sa participation ng kanyang stepson na si Joaquin Arce sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab 2.0.
Ang tanong–na-achieve na ba ni Angel ang kanyang desired figure to make her return to showbiz?
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

