Ikinuwento ni John Estrada ang kanyang tunay na impresyon kay Daniel Padilla sa gitna ng mga usap-usapang iniuugnay ang aktor sa kanyang anak na si Kaila Estrada.
Sa isang press gathering, sinabi ni John na matagal na niyang kilala si Daniel at wala siyang nakikitang negatibong ugali rito.
Ayon sa beteranong aktor, mabait, magalang, at mapagkumbaba si Daniel, kaya naman wala siyang masasabing masama tungkol sa Kapamilya star.
“To be honest, dati ko pa kilala si DJ. He’s a very good kid. Ang bait na tao, humble, respeto. Wala akong masasabi sa tao,” ani John.
Dagdag pa niya, nasubaybayan niya ang pag-usbong ng karera ni Daniel mula noong nagsisimula pa lamang ito sa showbiz hanggang sa maging isa sa pinakamalalaking bituin ng kanyang henerasyon.
Para kay John, mahalaga ang magandang karakter at personalidad ng isang tao, lalo na kung ito ay malapit sa kanyang pamilya.
“For me, it’s all about the personality and the character of a person. I saw DJ from how he started up to now. Mabait na tao ‘yung bata,” saad pa niya.
Dahil sa kanyang mga pahayag, marami ang nakakita ng suporta at paghanga ni John kay Daniel sa kabila ng mga lumulutang na ispekulasyon tungkol sa aktor at kay Kaila.

Share.