Mas mapapamahal ang pagkuha ng visa para sa mga planong bumiyahe sa Japan matapos ianunsyo ng pamahalaan nito ang limang beses na taas-singil na ipatutupad simula Hulyo 1.
Sa ilalim ng bagong fee structure, tataas sa 15,000 yen (P5,850) mula 3,000 yen (P1,170) ang bayad para sa single-entry visa. Aabot naman sa 30,000 yen (P11,700) mula 6,000 yen (P2,340) ang bayad para sa multiple-entry visa.
Inanunsyo ni Japanese Foreign Minister Motegi Toshimitsu ang hakbang kasunod ng isang ministerial meeting na nag-apruba sa mga pagbabago sa regulasyon sa visa fees at iba pang kaugnay na singil.
Inaasahang sasaklaw ang bagong singil sa lahat ng foreign nationals na mag-a-apply para sa Japanese visa, kabilang ang mga turista, estudyante, at business travelers.
Dumating ang anunsyo ilang linggo matapos sabihin ni Japanese Ambassador to the Philippines Endo Kazuya na pinag-aaralan ng Japan ang mga hakbang upang mas mapadali ang pagpasok ng mga Pilipino sa bansa, kabilang ang posibilidad ng visa-free entry.
Trending
- Claudine Barreto na-ospital
- Jilliar Ward pagod na, kailangan ng pahinga
- “A Perfect Marriage” nina Kim at Paulo pasok sa “Magic 8”
- Atletang Pilipino, ready na sa 5th Asian Para Games sa Nagoya
- Marlon “Marvelous Captain” Manalo sabak sa Qatar World Cup 10 Ball
- Anak ginahasa, nadakip
- Pintor minolestiya ang paslit, dinakip
- TATAY GINAHASA ANG ANAK AT APO, ARESTADO

