Kilig overload ang netizens nang ibahagi ni Issa Pressman ang sweet na eksena sa pagitan ng boyfriend niyang si James Reid at ng kanyang ina na si Belcy Pressman.
Sa viral video, makikitang nakaakbay pa si James kay Mommy Belcy habang inaalalayan ito—isang gesture na agad ikinatuwa ng fans.
Mas lalo pang uminit ang usap-usapan nang i-repost ito ng kaibigan ng kanyang ina, sabay banat na tila malapit na raw maging mother-in-law ni James ang kanyang kumare.
Dahil dito, hindi napigilan ng mga netizen na mag-speculate na posibleng paparating na ang susunod na level ng relasyon ng dalawa.
Lalo pang nagdagdag ng intriga ang umano’y sunod-sunod na pagpo-post ni Issa ng mga litrato kung saan napapansin ng ilan ang tila engagement ring sa kanyang daliri.
Bukod sa sweetness ng couple, kapansin-pansin din ang pagiging close ni James sa pamilya ni Issa—isang senyales para sa marami na seryoso na talaga ang kanilang relasyon.
Sa ngayon, wala pang kumpirmasyon mula kina James at Issa.
Trending
- School Safety and Security Summit pinangunahan ng NCRPO
- Mga Pulis-Taguig inireklamo, lipat-destino
- Mister tinodas ng kawatan habang natutulog katabi si Misis
- Ketamine : 2 Korean POGO workers dinakip
- Police officer sa Bulacan inireklamo sa Napolcom
- TODA : Tsuper sinaksak
- Service vehicle ng Navotas Polytechnic College,binasbasan
- SFeng Jiajun ng Hong Kong, wagi sa Asian Xiangqi Championship

