Muling pinatunayan ng aktres at vlogger na si Ivana Alawi na wala siyang arte pagdating sa pagkain.
Sa kanyang pinakabagong vlog na may caption na “karinderya food buong araw”, kitang-kita ang pagiging totoong tao ni Ivana habang kumakain sa tabi-tabi nang tila nakapantulog lang.
In-enjoy ni Ivana kasama ang kanyang pamilya ang iba’t ibang lutong-bahay sa karinderya mula umaga hanggang gabi.
Mula sa pork barbecue, liempo, adobo at kinilaw hanggang sa lugaw, tapsilog, halo-halo at chicharon bulaklak, wapakels si Ivana sa kanyang suot habang lumalantak ng masasarap na pagkain.
Sobrang nag-enjoy ang pamilya Alawi sa kanilang simpleng food trip habang nabusog naman ang mga mata ng netizens sa iba’t ibang putahe na ipinakita ni Ivana.
“Ito ‘yung mga vlog na gusto ko, puro lamon!” sey ni Ivana.
“Alam mo lahat ng kinain namin, ang sarap. From umaga, hapon, gabi, meryenda,” dagdag pa niya.
Sa huli, ipinakita ni Ivana na hindi kailangan ng magarbong restaurant o mamahaling outfit para maging masaya ang salo-salo kasama ang pamilya.

===

Share.