Nagdala ng mabagal na daloy ng trapiko ang pagbiyahe ng isa sa mga Tunnel Boring Machine o TBM ng Metro Manila Subway Project Linggo, May 24.
Ibiniyahe ang nasabing TBM simula Plaridel, Bulacan patungong North Avenue Station sa Mindanao Ave. Quezon City simula 2:45 am hanggang 6 am sa mga kalsada partikular na sa C3 Road, Araneta Avenue, Quezon Avenue, Elliptical Road at sa North Avenue.
Dumalo ang mga tauhan ng Traffic and Transport Management Department (TTMD) at Department of Public Order and Safety (DPOS) upang tiyakin ang kaayusan ng daloy ng trapiko sa mga nasabing lugar.
Pinapayuhan din ng Quezon City Government ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.
Nabatid na gagamitin ang nasabing TBM sa konstruksyon ng mga tunnel na magdurugtong sa North Avenue Station at Quezon Avenue Station ng Metro Manila Subway Project.

Share.