Kinansela ni US President Donald Trump ang nakatakdang panibagong military strikes laban sa Iran matapos niyang sabihin na napagkasunduan na ang “final points” ng isang paunang kasunduan para sa kapayapaan.
Inanunsyo ito ni Trump ilang oras lamang matapos niyang magbanta ng ikatlong magkasunod na gabi ng pag-atake ng Estados Unidos sa Iran.
“Discussions and final points have been, in both concept and great detail, approved by all parties involved,” pahayag ni Trump sa social media.
“The Naval Blockade will remain in full force and effect until this Transaction is finalized — Time and place of the signing to be announced shortly,” dagdag niya.
Wala pang agarang kumpirmasyon mula sa Iran. Ayon sa semi-official na Fars News Agency, hindi pa umano inaprubahan ng Tehran ang anumang pinal na kasunduan.
Gayunman, sinabi ng mga Iranian at Western sources na mas pinaigting na ang mga pagsisikap upang makabuo ng isang interim agreement. Nananatili ring umiiral ang isang marupok na ceasefire mula pa noong unang bahagi ng Abril.
Ayon sa tatlong Iranian sources, may nabuo nang political understanding ngunit may ilang mahahalagang detalye pang dapat plantsahin, kabilang ang pagpapalaya sa bilyun-bilyong dolyar na kita ng Iran mula sa langis na nakapirmi sa mga bangko sa ibang bansa.
Trending
- Claudine Barreto na-ospital
- Jilliar Ward pagod na, kailangan ng pahinga
- “A Perfect Marriage” nina Kim at Paulo pasok sa “Magic 8”
- Atletang Pilipino, ready na sa 5th Asian Para Games sa Nagoya
- Marlon “Marvelous Captain” Manalo sabak sa Qatar World Cup 10 Ball
- Anak ginahasa, nadakip
- Pintor minolestiya ang paslit, dinakip
- TATAY GINAHASA ANG ANAK AT APO, ARESTADO

