Forever na nga ang pagmamahal ni Ion Perez para sa kanyang wifey na si Vice Ganda.
Nagsaboy kasi ng sweetness si Ion matapos niyang ipakita sa “It’s Showtime” ang tattoo ng birthday ng kanyang misis sa kanyang paa.
Sa segment ng noontime show, ipinakita ni Ion ang tattoo na may petsang 08-04-1976, at ipinaliwanag na kasama rito ang mahahalagang tao sa kanyang buhay—ang kanyang mga magulang at si Vice.
Ayon kay Ion, espesyal sa kanya ang tatlong taong ito kaya nagpasiya siyang ipatatak ang petsa sa kanyang katawan.
Aliw na aliw ang Madlang People sa sweet gesture ni Ion, at marami ang nagsabing nakakainggit si Vice dahil literal na nakatatak na sa katawan ng mister ang kanyang kaarawan.
May ilan ding netizens ang natuwa dahil walang pag-aalinlangan pang ibinida ni Ion sa publiko ang espesyal na tattoo para sa Unkabogable Star.
Trending
- Construction worker, tiklo sa paltik
- SPD police 7-day-operation : 70 most wanted arrested
- 4Ps’s program : 1,000 graduates sa Maynila
- DepEd, Ched, Tesda nagsanib sa “One Education”
- Claudine Barreto na-ospital
- Jilliar Ward pagod na, kailangan ng pahinga
- “A Perfect Marriage” nina Kim at Paulo pasok sa “Magic 8”
- Atletang Pilipino, ready na sa 5th Asian Para Games sa Nagoya

