Masuwerteng walang nasaktan o nasawi sa naganap na pagsabog ng hindi lisensyadong pagawaan ng paputok sa Sitio Kakulisan, Brgy, Bambang sa bayan ng Bocaue, Biyernes ng gabi.
Sa inisyal na report na tinanggap ni OIC Bulacan Director PCol. Jay B.Baybayan mula sa kay PLt.Col. Diaz, kumpirmado na isang unlicensed back yard na gumagawa ng paputok sa naturang barangay.
Sa opisyal na pahayag ni John Bailey Lee, Pangulo ng Philippine Pyrotechnics Manufacturers and Dealers Association Inc. na sumambulat ang maliit na pagawaan ng paputok.
Sa ulat ng Bocaue Bureau of Fire Protection, nasunog ang bahay na pag-aari ni alyas Buknoy, habang inaalam pa ng mga awtoridad ang pinsalang idinulot ng naturang sunog at pagsabog.
Trending
- Charly Suarez pinatumba si Avila sa Round 1
- Spain kampeon sa 2026 FIFA World Cup
- Andrew E, nag-mini concert sa graduation ng int’l school
- Maja, tinuruang lumangoy ang baby
- Blind item, tinumbok: Iza Calsado at asawa
- Parak sapol ng stray bullet sa away 2 grupong Moro
- Pulis patay sa pagresponde sa gulo sa videoke bar
- Ligtas na access sa WPS mahalaga

