Mukhang unti-unti nang naaayos ang gusot sa pamilya ng yumaong si Nora Aunor matapos ibahagi ni Ian de Leon na nagkaroon sila ng maayos na pag-uusap ng kapatid niyang si Matet de Leon.
Sa kanyang Facebook post, nagpasalamat si Ian sa naging pag-uusap nila ng aktres at nagpahayag ng pag-asang tuluyan nang maibalik ang pagkakaisa ng kanilang pamilya.
“Thank you so much for the wonderful conversation! God bless us and our family!” caption nito.
Mas ikinatuwa ito ng mga Noranians lalo’t kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang hindi pagkakaunawaan ng magkakapatid kaugnay ng mga isyung may kinalaman sa mga naiwang mana ng National Artist.
Sa kabila ng naging palitan ng pahayag nitong mga nakaraang linggo, umaasa ngayon ang maraming tagahanga na tuluyan nang maayos ang relasyon ng magkakapatid at manatiling buo ang kanilang pamilya.
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

