Muling nagbukas ng pinto ang Roadhaus Hotel – The Manny Pacquiao Hotel sa Gen. Santos City.
Sa isang Facebook post ni Jinkee Pacquiao nitong Linggo, March 29, masaya niyang ibinahagi ang opisyal na reopening ng kanilang hotel para sa publiko.
“We are excited to welcome you back! ROADHAUS / The Manny Pacquiao Hotel/ is officially open for business,” ayon sa caption ni Jinkee.
Ang Roadhaus Economy Hotel The Manny Pacquiao Hotel ay kilala bilang isa sa mga pangunahing business hotel destination sa GenSan na matatagpuan sa Aparente Street.
Sa Facebook page ng The Manny Pacquiao Hotel, sinabing layunin nito na magbigay ng de-kalidad at “superb” na serbisyo para sa mga kaibigan at bumibisita sa lungsod.
Matagal na isinara ang hotel dahil sa isinagawang major renovation, ayon sa 91.1 Pacman Radio station.
Trending
- San Beda Red Lions player JV Gallego pumanaw na
- Alex Eala makakatambal muli si Venus Williams
- Rommel to the rescue kay Robin, binarag si Angel!
- Awra, nagpa-rhinoplasty, bet magmukhang Latina!
- Gwendoline Meliz Soriano : Binibining Pilipinas International 2026
- Marcoleta, ‘di nakakulong sa air-conditioned cell
- Pulis sa ‘mistaken identity’ na- inquest proceedings
- 4 PH-registered vessel nakalabas na sa Hormuz

