Dalawang Pilipinong marino ang nasawi matapos tamaan ng “hindi pa matukoy na projectiles” ang Saudi Arabia flagged oil tanker na SIDR habang papatawid sa Strait of Hormuz.
Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), dalawang Pinoy ang pumanaw habang 14 na iba pang kasamahan ay ligtas at kasalukuyang nasa Oman.
Naapula na ang apoy sa barko at inaasahang pauuwiin ang mga nakaligtas sa Pilipinas sa mga darating na araw.
Sinasabing tinamaan ng “unknown projectiles” habang nasa Strait of Hormuz
Patuloy na tensyon sa pagitan ng US at Iran; higit 70 barko na ang naatake mula Pebrero 2026
“Ang labi ng dalawang nasawi ay nasa Oman na at sisimulan ang proseso ng repatriation. Ang mga nakaligtas ay pauuwiin sa Pilipinas at bibigyan ng kaukulang tulong,” ayon kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac.
Tumaas muli ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.
Ang mga Filipino seafarers, na bumubuo ng malaking bahagi ng global maritime workforce, ay nananatiling nanganganib sa mga conflict zone.
Patuloy na lumalala ang tensyon sa Gulf region na maaaring makaapekto sa kalakalan at suplay ng enerhiya.
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

