Inaprubahan ng Sandiganbayan Third Division ang hiling ni dating Senador Bong Revilla na hindi dumalo sa paglilitis sa malversation case hanggang Hulyo.
“His waiver is approved, unless [his appearance is]required by the court,” ayon kay third division clerk of court Dennis Pulma.
Ayon sa abogado ni Revilla na si Atty. Ready Anthony Balisi, sakop ng waiver of appearance ang panahon na ipipresenta ng prosekusyon ang kanilang mga witness at ebidensya.
“That’s his right,” sinabi ni Balisi nang tanungin sa naging dahilan ng senador.
Ang malversation trial ni Revilla ay nagsimula noong Mayo 5.
Nag-ugat ang kaso sa P92.8 milyong halaga ng flood control project sa Pandi, Bulacan na sinabi ng prosekusyon bilang “ghost” project.
Bukod sa malversation, nahaharap din si Revilla at co-accused nito sa kasong graft sa kaparehong proyekto.
Si Revilla ay nakapagpiyansa ng P90,000 para sa graft ngunit nananatiling nasa kulungan dahil ang malversation charge sa kanyang kaso ay non-bailable.
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

