Wala ni gapatak na bad blood sa pagitan nina Hilda Koronel, 70 at Amy Austria, 64.
Ito’y sa kabila ng katotohanang minsan isang panahon ay isang lalaki ang kanilang minahal–ang yumaong aktor na si Jay llagan.
Unang nakarelasyon ni Hilda si Jay, iisa kasi ang kanilang film studio.
Back then, 16 anyos pa lang si Hilda–18 naman si Jay.
Naging masalimuot ang kanilang pagsasama at naghiwalay kinalaunan.
Saka pa lang umentra sa eksena si Amy.
Napaikli lang ang kanilang relasyon nang maaksidente’t mamatay si Jay noong February 1992.
He was 37.
“Of course, Amy’s a friend of mine!” giit ni Hilda.
Never daw silang nagkasamaan ng loob dahil nang pumasok si Amy ay matagal nang hiwalay sina Hilda at Jay.
Proof of their friendship nga’y inimbitahan ni Hilda si Amy na manood ng comeback movie niyang Sisa.
“Malinis ang aming relasyon,” ani Hilda of her relationship with Amy na nakasama pa niya sa pelikulang Kung Mahawi Man ang Ulap noong 1984.
Trending
- School Safety and Security Summit pinangunahan ng NCRPO
- Mga Pulis-Taguig inireklamo, lipat-destino
- Mister tinodas ng kawatan habang natutulog katabi si Misis
- Ketamine : 2 Korean POGO workers dinakip
- Police officer sa Bulacan inireklamo sa Napolcom
- TODA : Tsuper sinaksak
- Service vehicle ng Navotas Polytechnic College,binasbasan
- SFeng Jiajun ng Hong Kong, wagi sa Asian Xiangqi Championship

