Mahigit 80,000 katao o 23,946 pamilya ang naapektuhan ng pinagsamang epekto ng Bagyong Luis, Maymay, at pinalakas na habagat, ayon sa Office of Civil Defense (OCD).
Kabilang sa mga apektadong lugar ang Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Bicol, Zamboanga Peninsula, BARMM, at Cordillera Administrative Region.
Sa kabuuan, 6,929 katao o 2,215 pamilya ang pansamantalang nananatili sa 39 evacuation centers.
May 12 bahay na bahagyang nasira at 83 lugar ang binaha sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Zamboanga Peninsula, at BARMM.
Naglaan na rin ang pamahalaan ng P1.38 milyong ayuda para sa mga naapektuhang residente.
===
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

