MANILA, Philippines – Umabot na sa 4,177,097 katao o 1,205,839 pamilya ang naapektuhan ng pinagsamang epekto ng bagyong Luis, Maymay, at habagat, ayon sa Office of Civil Defense (OCD).
Apektado ang mga residente sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Bicol, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, CALABARZON, Cordillera, Metro Manila, at MIMAROPA.
Sa kabuuang bilang, 51,912 katao o 14,511 pamilya ang kasalukuyang nananatili sa 523 evacuation centers.
Naitala rin ang 21 nasawi, 17 sugatan, at tatlong nawawala. Pinakamarami ang namatay sa Benguet (15), karamihan dahil sa landslide. May tig-tatlong nasawi rin sa Rizal at Batangas.
Ang tatlong nawawala ay mula sa Alaminos, Pangasinan; Batangas City; at Candelaria, Quezon.
Umabot sa 1,428 bahay ang napinsala, kung saan 1,317 ang bahagyang nasira at 111 ang tuluyang nawasak.
Tinatayang ₱2.65 bilyon ang pinsala sa imprastraktura at ₱347.37 milyon ang pinsala sa agrikultura.
Ayon sa OCD, nakapagbigay na ang pamahalaan ng ₱495.42 milyong halaga ng ayuda sa mga apektadong komunidad.
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

