Nagdadalamhati ngayon si Herlene Budol sa pagkamatay ng kanyang lolo.
Sa kanyang Instagram, inanunsyo ng TV host-comedienne ang pamamaalam ng kanyang Tatay Oreng.
Makikita sa kanyang IG post ang mga litrato nila ni Tatay Oreng kasama ang kanyang lolang si Nanay Bireng na naunang pumanaw noong 2022.
“Magkasama na kayo,” ayon sa caption ni Herlene.
May video throwback ding ipinost si Herlene sa IG Stories.
Kabilang doon ay ang pagsali niya sa beauty pageant at mga bonding moments.
The caption reads: “I LOVE YOU TAY.”
Si Herlene ay lumaki sa kanyang lolo’t lola pagkaraang maghiwalay ang kanyang mga magulang noong bata pa siya.
Dumagsa naman ang pakikiramay mula sa mga showbiz friends ni Herlene na sina Thea Tolentino, Sugar Mercado, Kris Bernal, Jak Roberto, Jayson Gainza at Bayani Agbayani.
=====
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

