Sino’ng hindi mabubuwisit kung ang mensaheng natanggap mo ay nag-i-inquire kung magkano ang presyo mo para sa isang gabi?
Ganito nga ang sinapit ni Herlene Budol, who shared her experience on her Instagram Story.
Aniya, nakatanggap daw siya ng mensahe na: “Hello, I’m Gov.”
Sabay hirit daw ng: “Can I ask if available ka for one night stand at magkano?”
Sinubukan pa raw nitong tawagan si Herlene.
Kaso, hindi sinagot ni Herlene ang tawag hanggang sa pinresyuhan na siya ng P150,000.
Dahil nairita, pinagmumura ni Herlene ang message sender: “Hello Gov, paky*, sa iyo na ang P150,000 mo! Itulong mo na lang ‘yan sa nasasakupan mong lugar. God bless! Hahaha!”
Kaagad ding binlock ni Herlene ang nagpadala sa kanya ng message na hindi na niya pinangalanan o binanggit kung saan ito nagsisilbing gobernador.
====
Trending
- Claudine Barreto na-ospital
- Jilliar Ward pagod na, kailangan ng pahinga
- “A Perfect Marriage” nina Kim at Paulo pasok sa “Magic 8”
- Atletang Pilipino, ready na sa 5th Asian Para Games sa Nagoya
- Marlon “Marvelous Captain” Manalo sabak sa Qatar World Cup 10 Ball
- Anak ginahasa, nadakip
- Pintor minolestiya ang paslit, dinakip
- TATAY GINAHASA ANG ANAK AT APO, ARESTADO

