PINANGUNAHAN ni Southern Police District (SPD) District Director Brigadier General Rodel A. Pastor ang meet and greet event para sa mga mamamahayag mula sa Southern Metro Manila Press Club (SMMPC) na ginanap sa SPD Multi-purpose Hall Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City Biyernes ng hapon.

Sinabi ni SPD BGen Pastor ang mahalagang tulong ng media sa pagbabahagi ng tamang impormasyon at balita para sa publiko. 

“Tulungan ninyo kami, iisa lang ang hangad natin ang maayos na kapaligiran,” pahayag ni BGen Pastor.

Ayon kay SPD director na ang mga pulis ay dapat de-kalibre sa pagseserbisyo at pagprotekta sa mamamayan. 

Dagdag din nito ang kahalagahan ng pagiging propesyunalismo ng mga pulis at dapat na may integridad at hindi nasusuhulan.

Aniya, mahalaga din ang malapit na pakikipag-ugnayan ng SPD sa mga komunidad upang mapigilan ang anumang mangyayaring krimen at para sa mabilis na pagtugon ng otoridad sa mga sumbong at reklamo sa mga nasasakupang lugar sa katimugang Metro Manila.

Nanindigan ang SPD sa patuloy na pagpapanatili ng kaayusan at seguridad sa mga komunidad gayundin ang pinalakas na kampanya kontra ilegal na droga at kriminalidad. (Gina Garcia)

Share.