Ang stay-in assistant ni Heart Evangelista ang nagsabi na isinugod sa ospital ang fashion icon.
Sa Instagram Stories, ipinost ni Resty Rosella ang ilang pictures ni Heart na nasa hospital bed.
May mga iba’t ibang medical equipment ang nakakabit dito.
Nasa tabi ni Heart ang ina niyang si Cecilia Ongpauco at kapatid na si Camille.
Bagama’t walang binanggit na sanhi ng pagkakaospital ni Heart, nagpahaging si Resty na bunga ‘yon ng pagkapagod sa sobrang trabaho.
Unfortunately, kinailangan pa daw ma-confine ni Heart before she realized she needed to slow down.
Payo ng isang netizen: “Health is wealth, Ganda, sana naisip mo ‘yan. Rest-rest din pag may time!”
Dumipensa naman si Resty laban sa mga bashers ni Heart who are quick to judge her.
Ani Resty: “Kung husgahan ka ng mga bashers na ito, grabe! Hindi nila alam kung gaano ka kasipag para kumita ng pera!”
At presstime, conscious na uli si Heart mula sa pagkaka-sedate sa kanya: “Road to recovery…nakakalakad na siya pero need pa din niya ng support.”
====
Trending
- FILIPINAS VS UKRAINIE :WTA NO0.16 EALA KONTRA OLIYNYKOVA
- EJ Obiena nasungkit ang ginto sa ISTAF Berlin
- Lella Ford ibinigay na ang matamis na ‘yes’ kay Joaquin
- VMX star Lea Bernabe ayaw magkadyowa ng foreigner
- Charo Santos hindi tumatanda, pambato sa Chinese drama
- Anti-dengue, anti-leptospirosis pinalakas ng DepEd
- Army nagdagdag ng 2 battalion para sa BARMM Polls
- 3M ektarya ng sakahan poprotektahan sa paglawak ng solar projects

