Binahagi ni Heart Evangelista ang pinagdaanan niyang matinding anxiety sa kabila ng marangyang buhay at maagang tagumpay sa showbiz.
Ibinahagi ni Heart ang ilang mabibigat na yugto sa kanyang buhay kung saan nawalan siya ng gana at halos hindi kumakain.
“Many times I’ve found myself on my sofa for four days without eating. In the past, I’ve been hospitalized for my anxiety. And I don’t want to go back into that blackhole because I listened to other people,” ani Heart.
Ayon sa aktres, malaking tulong sa kanya ang pananampalataya at pagkakaroon ng mga taong handang makinig.
“Madasalin po talaga ako, Tito Boy. I’m surrounded with really good people. So I think importante ‘yun na pinapakinggan ka, na kahit wala silang kailangan sa’yo, nariyan sila para sa’yo to talk about it,” saad niya.
Dagdag pa niya, mahalaga ang pagiging bukas sa nararamdaman upang makahanap ng tulong.
“I’m very transparent. Madaldal po kasi talaga ako. Kaya kapag may nararamdaman ako, sinasabi ko rin ho talaga kasi I want to ask help. It’s important to speak up.”
Bilang isang public figure, aminado si Heart na hindi madali ang pagharap sa mga kritisismo sa social media.
“It’s very hard. But then hindi ka naman nabubuhay para sa kanila. Mayroon kang goals para sa sarili mo at mga misyon mo sa buhay. Kung titingnan mo sila, wala ka talagang mararating. Madi-discourage ka,” aniya.
Dagdag pa niya, madalas ay hindi rin totoo ang nakikita ng publiko online.
“Social media is so Photoshopped and not real. I’m misunderstood. Makikilala mo lang talaga ako through a different lens. Kulang pa nga ‘yun kasi hindi ko pa talaga mapakilala nang todo ‘yung sarili ko.”
Nagbukas din ng damdamin si Heart tungkol sa kanyang relasyon sa ina, at ang pagsisisi sa mga panahong hindi sila nagkausap.
“Hindi ko alam kung paano ko nagawa na ilang taon kaming hindi regularly nag-uusap. Ngayon, kung puwede ko lang talagang i-turn back time kasi gusto ko ng additional years together. Dati kasi maliksi siya. Ngayon, nakita ko na hirap na siya. There was a time na pumunta ako sa banyo. Iyak ako nang iyak. Na-realize ko na tumatanda na siya,” ani Heart.
Sa gitna ng emosyon, pinasalamatan niya ang kanyang ina sa lahat ng sakripisyo nito.
“Makikipagpatayan talaga siya para sa akin. Siya talaga ang nakakaalam ng laman ng puso ko kasi galing ‘yun sa kanya. As years go by, hindi niya nakalimutan kung sino ako. Salamat kasi hindi ko talaga mararating ‘yung narating ko kung hindi dahil sa kanya.”
Nagbigay rin siya ng payo sa publiko hinggil sa pagpapahalaga sa pamilya.
“We are so blessed to have mothers. Kung malayo kayo sa mga magulang n’yo, it’s not worth whatever success. Time is priceless talaga.”

Share.